^

Bansa

Bilateral aviation agreement ng Pinas at US, palalawakin

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Bilateral aviation agreement ng Pinas at US, palalawakin
Pinangunahan ni US Ambassador to the Philippines, MaryKay Carlson ang unveiling ng historical marker ng “The Arrival of the Pan Am China Clipper in the Philippines” kahapon sa Manila Yacht Club, Roxas Blvd sa Maynila. Ang China Clipper ang eroplanong pandagat ng Pan American Airways na lumipad mula San Francisco, USA patungong Maynila noong Nob. 22, 1935. Ang paglipad ng China Clipper ang naging daan upang simulan ang paggamit ng commercial plane na nag-uugnay sa Pilipinas at US noong 1936.
Ernie Peñaredondo

MANILA, Philippines — May usapan na ang gobyerno ng Pilipinas at Estados Unidos ng pagpapalawak sa “bilateral aviation agreement” ng dalawang bansa na 40 taon nang hindi nagagalaw.

Ayon kay US Ambassador MaryKay Carlson, ito ang naging resulta ng nakaraang pagbisita ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Washington, D.C. noong nakaraang taon, kung saan napag-usapan ang pagpapalawak sa “air connectivity” at gawing moderno ang “bilateral aviation relationship” ng dalawang bansa.

“This is exactly the type of momentun we now need to further modernize our aviation ties, as we see to upgrade our bilateral aviation agreement that is now 40 years old,” saad ni Carlson.

Inihayag ito ni Carlson sa gitna ng pagpapasinaya sa historical marker ng paglapag ng Pan-Am China Clipper sa Manila Bay noong 1935, sa harapan ng Manila Yacht Club sa Roxas Boulevard, Maynila.

Ang biyahe ng naturang sea-air vessel ang naging unang “Trans-Pacific Airmail and Passenger Flight” sa mundo. 

Ito rin ang naging hud­yat ng kakayanan na makabiyahe ng isang eroplano sa Dagat Pasipiko mula Estados Unidos hanggang Asya at sinundan ng iba’t ibang mga biyahe sa naturang karagatan.

Kahapon, pinirmahan nina MYC Commodore Ildefonso Marco Tronqued, National Historical Commission of the Philippines Executive Director Carminda Arevalo, at NHCP Dr. Emmanuel Franco Calairo ang katibayan ng paglilipat at pagtanggap sa naturang historical marker.

Sinabi ni Commodore Tronqued na ang paglalagay ng “historical marker” sa MYC ay lalong nagpatatag sa pagiging “historical landmark” sa Pilipinas ng Yacht Club.

AMBASSADOR

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with