^

Bansa

Metro Manila, nangunguna sa may malalang trapik sa buong mundo

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Hindi tanggap ng Me­tropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang naging deklarasyon ng Tomtom Traffic Index (TTI) na ang Metro Manila ang may pinakamalalang problema sa trapiko sa buong mundo.

Sa isinagawang press briefing nitong Biyernes, sinabi ni MMDA Acting Ge­neral Manager Don Artes, na ang paraan ng TTI na pinagbatayan ay kuwestiyunable para husgahan ang Metro Manila.

Gumamit lamang aniya ng GPS (Global Positioning System) para sabihin na may mabagal na daloy ng sasakyan.

Batay sa lumabas na ulat, sinabi ng TTI na ang Metro Manila ay nasa ave­rage travel time ng 25 minuto at 30 segundo sa kada 10 kilometro noong 2023, kum­para sa 24 minuto at 50 segundo noong 2022 na may congestion level na 52%.

Lumabas sa TTI na ika­lawa ang Lima, Peru na may 24 minutes at 20 se­gundo sa kada 10 kilometro­; ikatlo ang Bengaluru, India; Sapporo, Japan; Bogota, Colombia; Taichung sa Taiwan; Mumbai sa India; Kaohsiung sa Taiwan; Pune sa India; Nagoya, Japan; Brussels, Belgium; Geneva, Switzerland; at Tokyo, Japan, na nasa top 15.

GPS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with