^

Bansa

Pinoy na nagsabing mahirap, bahagyang bumaba

Angie dela Cruz, Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Pinoy na nagsabing mahirap, bahagyang bumaba
Thousands of devotees attended the holy Mass at Quiapo Church on January 7, 2024.
Edd Gumban

MANILA, Philippines — Bahagyang bumaba ang bilang ng mga Pinoy na ikinokonsidera ang kanilang mga sarili bilang mahirap, batay sa nationwide survey ng Social Weather Stations (SWS) sa unang bahagi ng Disyembre 2023.

Sa nasabing survey, 47% umano sa mga respondents ang nagsabi na sila ay mahirap o tinatayang 13.0 milyong self-rated poor families.

Bahagya naman itong mas mababa kumpara sa 48% o 13.2 milyong pamilya noong Setyembre at pagbaba rin mula sa 51% noong Disyembre 2022.

Ang pagbaba ay dulot ng decrease sa Mindanao kung saan ang self-rated poverty ay bumaba sa 61% mula sa dating 71% noong Setyembre.

Samantala sa balance Luzon ay naging 39% mula sa 35%, sa Metro Manila ay 37% mula sa 38%, at sa Visayas region, 58% mula sa 59%.

Mula naman sa 13-milyong self-rated poor families, nasa 2.2 milyon ang nagsabi na sila ay “newly poor” o hindi dating mahirap sa nakalipas na apat na taon.

Samantala, nasa 1.6 milyon naman ang “usually poor,” at 9.2 milyon ang “always poor.”.

SOCIAL WEATHER STATIONS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with