^

Bansa

PPA pinayuhan mga pasahero ng Sorsogon-Northern Samar na subukan ibang ruta

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Para makaiwas sa abala, pinayuhan ng Philippine Ports Authority (PPA) ang mga pasahero na gamitin ang ibang ruta matapos mabawasan ang biyahe ng mga barko sa rutang Matnog, Sorsogon-Allen, Northern Samar.

Mula noong Linggo, Enero 14 hanggang nitong Martes, Enero 16, 2024 nabawasan ang biyahe ng mga barko sa naturang ruta dahil sa sama ng panahon dala ng hanging amihan.

Nakapagtala lamang ng 25 biyahe kada araw mula sa normal na 30 na biyahe kung walang sama ng panahon ang 13 Roll-on Roll-off (RoRo) vessel sa nasabing ruta.

Nagdulot ito ng pagsisikip sa pantalan at pila ng mga sasakyan na umabot na sa nasa 180 unit ng truck. 

Ayon sa PPA, maaaring gamitin ang ibang ruta gaya ng Pio Duran, Albay-Masbate City; Pilar, Sorsogon-Masbate City; Pilar, Sorsogon-Mobo Port, Masbate; Masbate City-Cebu; Mobo Port, Masbate-Cebu; Mintac Port, Cataingan, Masbate-Polambato Port, Bogo, Cebu; Mintac Port, Cataingan at Masbate-Cebu. 

Muling pinaalalahanan ng PPA ang mga biyahero na makipag-ugnayan sa kanilang mga shipping line para sa karagdagang detalye ng kanilang biyahe.

vuukle comment

PHILIPPINE PORTS AUTHORITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with