^

Bansa

'May nanalo... uli?': Halos P700-M lotto jackpot solong tinamaan

James Relativo - Philstar.com
'May nanalo... uli?': Halos P700-M lotto jackpot solong tinamaan
Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) outlet in Taguig City on November 17, 2023.
Philstar/Irra Lising

MANILA, Philippines — Inanak na naman ang isang multi-milyonaryo matapos tamaan ng solong mananaya ang P698.8 milyong jackpot prize ng Grand Lotto 6/55, isang araw lang matapos mapagwagian ang mahigit P640 milyong jackpot para sa Superlotto 6/49.

Miyerkules nang ibola ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang sumusunod na winning combinations: 24-50-52-09-51-03.

Wala pa namang pahayag ang naturang government-owned and controlled corporation (GOCC) kung saan nabili ang naturang winning ticket.

Nangyayari ito ilang araw matapos maitala ng PCSO ang P256 milyong arawang kita sa ticket sales — ang pinakamataas sa loob ng limang taon — ayon sa state-run media.

Nagsimulang lumakas ang lotto sales simula nang umarangkada ang “Handog Pakabog” Christmas draws ng PCSO noong ika-16 ng Disyembre matapos itaas ang minimum guaranteed prize ng  Grand Lotto 6/55, Ultra Lotto 6/58  at Super Lotto 6/49 sa tig-P500 milyon.

Wala namang pinalad makakuha ng P25.56 milyon mula sa Megalotto 6/45 kahapon.

Bagama't nasa P698,806,269.29 ang jackpot sa Grand Lotto 6/55 draw, hindi ito buong-buong makukuha ng lucky winner dahil sa Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law.

Sa ilalim nito, saklaw kasi ng 20% tax ang mga PCSO at lotto winnings na lalagpas sa P10,000.

Una nang sinabi ng PCSO na kinakailangang makubra ang anumang papremyo sa loob ng isang taon. Mapupunta sa Charity Fund ng naturang ahensya ang pera kung sakaling mabigo ang winner na makuha ito sa takdang panahon.

LOTTERY

LOTTO

PHILIPPINE CHARITY SWEEPSTAKES OFFICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with