DOH nagpasaklolo sa PNP kontra ‘vape’

“I actually wrote a letter to the PNP asking them to implement the law and make sure none of these minors should have access to vaping,” ayon kay Herbosa sa isang media forum.
Wikimedia Commons / Lindsay Fox

MANILA, Philippines — Nagpasaklolo na ang Department of Health (DOH) sa Philippine National Police (PNP) para matulungan sila sa pagpapatupad ng batas na nagbabawal sa mga menor-de-edad na bumili at gumagamit ng vape o e-cigarettes.

“I actually wrote a letter to the PNP asking them to implement the law and make sure none of these minors should have access to vaping,” ayon kay Herbosa sa isang media forum.

Sinabi ni Herbosa na tinatayang 14% na ng mga gumagamit ng e-cigarette ay mga minors sa kabila ng nakasaad sa batas na 18-taong gulang pataas lamang ang maaring gumamit nito.

Kasunod ito ng pagbaba sa paggamit ng tabako o sigarilyo sa bansa dahil sa mas mataas na buwis na dahilan ng pagtataas sa presyo ng mga ito.

Ayon sa Global Adult Tobacco Survey, bumaba ang paggamit ng tabako o sigarilyo sa mga adult sa 19.5% noong 2021 mula sa 29.7% noong 2019.

Kasabay ng pagbaba sa paninigarilyo, tumaas naman ang antas ng gumagamit ng mga vape at e-cigarettes. Ngunit ayon sa DOH, parehong may masamang epekto sa kalusugan ang paggamit ng mga ito.

Show comments