^

Bansa

Pasig River project pinasinayaan ni Marcos

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pinasinayaan nina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at First Lady Liza Marcos ang bahagi ng Pasig River Urban Development project sa Maynila.

Ang binuksan proyekto na may 25 km stretch ng Pasig River bank ay matatagpuan sa likod ng Manila Central Post Office building.

Tinatayang nasa P18 bilyon pondo naman ang inilaan sa naturang proyekto na galing sa donasyon sa pribadong sektor.

Ang naturang proyekto ay tinawag na Pasig Bigyang Buhay Muli project ay naglalayong i-transform ang Pasig River sa isang sentro ng economic acti­vity, turismo at lugar para itaguyod ang connectivity ng transportasyon sa Metro Manila at karatig lalawigan.

Habang magsisilbi namang public park ang binuksang showcase area kung saan makikita ang walkway para sa pedestrian, may water fountain na may ilaw, at mga upuan kung saan maaaring maging open air venue para sa ibat ibang events o okasyon.

Makikitaan din ang 50 kilometrong loop o paikot ng Pasig River ng recreational at wellness amenities tulad ng jogging at biking paths na tatahak sa 11 mga lunsod sa Metro Manila.

Katuwang sa proyekto ang pribadong sektor na naglalayong maibalik ang ganda ng Pasig River para magsilbing tourism area at buhayin ang lokal na ekonomiya.

Ibinida naman ng pa­ngulo na ang lead proponent ng naturang proyekto ay si First Lady Liza Marcos.

FERDINAND “BONGBONG” MARCOS JR.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with