MANILA, Philippines — Tinaya ng PAGASA na mas lalamig pa ang panahon sa susunod na linggo.
Ayon kay Joey Figuracion, climatologist ng PAGASA, ang kasalukuyang epekto ng panahon sa ngayon ay hihigitan pa ng malamig na panahon sa sunod na linggo dahil sa amihan surge o bumabang temperatura.
“Itong current na nararanasan natin na surge ay maaaring mag-last in two days pa. Bahagyang iinit ulit tapos meron na naman tayong aasahan na surge in the coming next week so... medyo lalamig pa ang ating temperature... sa susunod na linggo,” sabi ni Figuracion.
Noong January 11 ay naitala ang pinaka malamig na temperatura na pumalo sa 12.1°C sa La Trinidad Benguet at mababang temperatura na 20.2°C sa Metro Manila batay sa tala sa Science Garden, Quezon City noong January 14.