^

Bansa

Mas lalamig pa ang panahon sa sunod na linggo - PAGASA

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Mas lalamig pa ang panahon sa sunod na linggo - PAGASA
Photo show the skyscrapers of the Ortigas Center in the central business district as seen from Pasig City on January 9, 2024 afternoon.
Michael Varcas

MANILA, Philippines — Tinaya ng PAGASA na mas lalamig pa ang panahon sa susunod na linggo.

Ayon kay Joey Figuracion, climatologist ng ­PAGASA, ang kasalukuyang epekto ng panahon sa ngayon ay hihigitan pa ng malamig na panahon sa sunod na linggo dahil sa amihan surge o bumabang temperatura.

“Itong current na nararanasan natin na surge ay maaaring mag-last in two days pa. Bahagyang iinit ulit tapos meron na naman tayong aasahan na surge in the coming next week so... medyo lalamig pa ang ating temperature... sa susunod na linggo,” sabi ni Figuracion.

Noong January 11 ay naitala ang pinaka malamig na temperatura na pumalo sa 12.1°C sa La Trinidad Benguet at mababang temperatura na 20.2°C  sa Metro Manila batay sa tala sa Science Garden, Quezon City noong January 14.

PAGASA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with