Imbes ayuda, magsasaka bibigyan na lang ng buto, binhi
MANILA, Philippines — Walang aasahang ayuda sa gobyerno ang mga magsasakang nalugi dahil sa pagkasira ng kanilang mga pananim na gulay.
Sa press briefing sa Malakanyang, sinabi ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel na sa ngayon, technically ay walang pondo ang gobyerno na pang-ayuda sa mga magsasaka.
Naniniwala rin si Laurel na hindi epektibo ang ayuda at sa halip ay mas makakabuti kung bibigyan ang mga magsasaka ng buto, abono at iba pa.
Iginiit pa ng kalihim na kung maaari ay hahanap sila ng paraan para matulungan ang mga magsasaka na siya namang trabaho at mandato ng gobyerno kaya sa kasalukuyan ay patuloy nilang inaalam kung ano ang maaaring ibigay sa mga ito.
Sa ngayon ay pinagsusumikapan umano ng gobyerno na makapagpatayo ng mga cold storage facility para maiwasan ang pagkabulok ng mga ani.
Gayundin ang bilhin ang mga sobrang gulay at ibenta ito sa mga Kadiwa stores.
Umapela rin si Tiu sa mga lokal na pamahalaan na tugunan ang over supply population ng mga magsasaka para sila ang mag plano ng produksyon ng mga inaaning gulay ng mga magsasaka.
- Latest