^

Bansa

90% ng Pinoy ayaw makipagtulungan sa Tsina kaugnay ng West Philippine Sea — Pulse Asia

James Relativo - Philstar.com
90% ng Pinoy ayaw makipagtulungan sa Tsina kaugnay ng West Philippine Sea — Pulse Asia
Handout photo from Philippine Coast Guard shows a China Coast Guard vessel firing a water cannon at a Philippine boat on a resupply mission.
Philippine Coast Guard

MANILA, Philippines — Kakarampot lang ang mga Pilipinong pabor makipagtulungan sa Tsina sa gitna ng papatinding tensyon sa West Philipine Sea, ayon sa pinakabagong survey ng Pulse Asia.

Inilabas ng polling firm ang resulta ng naturang pag-aaral ngayong Martes sa kanilang forum na tinaguriang "Fortifying Cyber Cooperation Towards Digital Security," bagay na kinomisyon ng Stratbase.

"As evidenced by the survey results, 90% of Filipinos are not in favor of working with China," ani Stratbase president Dindo Manhit ngayong araw.

"This is only natural, as the Philippines continue to encounter aggressive and coercive acts in the West Philippine Sea. In addition to diplomatic protests, the Philippines is also exiting from China’s Belt and Road Initiative."

 

 

Ikinasa ang naturang pag-aaral mula ika-3 hanggang ika-7 ng Disyembre, bagay na sumuri sa pananaw ng 1,200 katao sa buong Pilipinas.

Narito ang mga lugar na dapat aniyang makatrabaho ng Pilipinas para na rin sa seguridad ng ekonomiya sa gitna ng tensyon sa naturang katubigan:

  • Estados Unidos: 79%
  • Australia: 43%
  • Japan: 42%
  • Canada: 34%
  • United Kingdom: 22%
  • European Union: 17%
  • Russia: 16%
  • South Korea: 15%
  • China: 10%
  • India: 4%

Nangunguna sa mga pinagpilian ng mga Pinoy ang Amerika, Australia at Japan, bagay na dapat daw magtulak kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na bumuo nang mas matinding alyansa sa mga nabanggit.

"These countries have continued to voice their support for the Philippine position and have condemned Chinese actions against Filipino vessels. Their resounding statements of support boost the confidence of the Philippines in the international community," wika pa ni Manhit.

"In the face of asymmetric security challenges, the Philippines must leverage its relations with states with shared values and with the same commitment to defend the rules-based international order."

Sa kabila nito, tanging 55% lang ng mga Pinoy ang naniniwalang matutupad ni Bongbong ang pangakong maproproteksyunan ang West Philippine Sea laban sa mga iligal at agresibong aksyon ng ibang bansa.

Patuloy na harassment ng Tsina

Kasalukuyan pa ring inaangkin at gumagawa ng mga agresibong aksyon ang Beijing sa West Philippine Sea — bagay na nasa loob ng exclusive economic zone (EEZ) ng Maynila — kahit na binalewala na ng Permanent Court of Arbitration ang claims ng Tsina sa lugar.

Ika-3 hanggang ika-9 lang ng Enero nang mamataang binubuntutan ng isang Chinese vessel ang dalawang barko ng Philippine Coast Guard na nagsasagawa ng rotation and resupply (RORE) missions sa Kalayaan Group of Islands.

Bago ito, ilang insidente na ng pangwa-water cannon, laser attack, at pananakot sa mga naturang katubigan ang isinagawa ng Beijing laban sa mga Pilipino.

BEIJING

CHINA

PULSE ASIA

STRATBASE

SURVEY

WEST PHILIPPINE SEA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with