MANILA, Philippines — Pinangangambahan ng isang grupo ng mga magsasaka na maging bulnerable sa pangangamkam ng dayuhan ang milyun-milyong ektaryang lupain sa Pilipinas matapos ang panibagong maniobra para amyendahan ang 1987 Constitution.
'Yan ang pahayag ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) nitong Lunes matapos ihain ni Senate President Juan Miguel Zubiri ang Resolution of both Houses 6.
Related Stories
"Mag-uunahan ang mga ahente ng lupa sa pangangamkam, pabarat na pagbili ng lupa, ng lupa (land banking), at pagbebenta ng lupa," wika ni KMP chairperson Danilo Ramos kahapon.
"Mangangahulugan ito ng mas malawakang pagpapalayas sa mga magbubukid at katutubo, pagpapataw ng mas mataas na upa sa lupa, lalong pagkalugi ng mga magsasaka, pagtigil sa pagsasaka, pagpapalit-gamit ng lupa, at pagkalusaw sa mga kabuhayang agrikultural."
Kabilang nais ipaamyenda ng resolusyon ang Article 12 (Section 11), 14 (Paragraph 2, Section 4) at 16 (Paragraph 2 Section 11) ng Saligang Batas dahil sa mga economic restrictions na ipinapataw nito sa pamumuhunan at pagmamay-ari ng sari-sariling industriya at negosyo.
Tumutukoy ang Article 12, Section 11 sa paglilimita ng pagmamay-ari ng public utility franchises sa Filipino citizens at corporations. Sinasaad naman ng Article 14, Section 4, Paragraph 2 na hindi dapat bababa sa 60% ang kapital na pagmamay-ari ng mga Pilipino sa mga educational institutions.
Samantala, dapat nasa 70% ng kapital sa advertising industry ay pagmamay-ari ng mga Pinoy sa ilalim ng Paragraph 2, Section 11, Article 16.
Nangyayari ito matapos lumabas ang patalastas na "EDSA-pwera," bagay na naghihikayat na maipasa ang Charter Change. Aniya, napigilan daw kasi ng economic restrictions ng 1987 Constitution ang paglago ng ekonomiya ng Pilipinas.
Foreign ownership ng lupa bawal
Kasalukuyang nililimitahan ang exploration, co-production, joint venture at production-sharing agreements ng mga lupain sa Filipino citizens o mga korporasyong 60% hawak ng mga Pilipino ayon sa kasalukuyang konstitusyon.
Batay sa datos ng National Mapping and Resource Information Authority (NAMRIA), lumalabas na 14.2 million hectares of alienable and disposable lands sa Pilipinas.
"As if the 50-year allowable lease period to foreign investors stipulated in Republic Act 7652 or the Long-Term Lease of Private Lands by Foreign Investors is not enough, Marcos Jr's ChaCha will allow full ownership of lands by foreign entities," dagdag pa ni Ramos.
"Marcos Jr's ChaCha will only equate to the wanton plunder of our remaining land and natural resources. Instead of devoting our land and resources to the genuine development of the domestic agriculture, economy, and industries, ChaCha will allow more foreign-owned extractive industries, logging, ecotourism, real estate projects, expansion of agro-corporation plantations, and other business operations intended for profit-making."
"We must unite to expose and oppose this latest move to railroad charter provisions that will lead to greater suffering for the majority of Filipinos."
Bago ihain ang naturang resolusyon, una nang sinabi ni Zubiri na inatasan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Senado na pangunahan ang pagrerebyu ng economic provisions ng 1987 Constitution.
Sang-ayon aniya si Marcos na masyadong mapanghati ang mungkahing pag-a-amyenda ng Saligang Batas kung kaya't kinakailangan ang review.
"Si President [Marcos] mismo, ayaw niya ng lupa na ibigay sa foreigners," pagtitiyak ni Zubiri kahapon.