MANILA, Philippines — Nagkasundo ang Office of Civil Defense (OCD) at Canadian embassy hinggil sa pagpapalakas ng kanilang kooperasyon sa pagtugon sa kalamidad sa bansa.
Ayon kay Civil Defense Administrator, Undersecretary Ariel F. Nepomuceno, nagkaroon sila ng pagkikipagpulong sa ilang opisyal ng embahada kung saan tinalakay ang digitalization at warning system advancement; pagrerebisa ng DRRM protocols, framework, at system; pagpapalawak ng strategic coordination; pagpapabuti ng preparedness campaigns at mabilis na pagtugon ng national at local level.
Pinasalamatan din ni Nepomuceno ang pamahalaan ng Canada sa patuloy na suporta nito sa DRRM system ng bansa at sa mga susunod pang proyekto.
Naniniwala si Nepomuceno na mahalagang pagyamanin at paunlarin ang kooperasyon sa ibang bansa upang mas maging epektibo ang hangarin na makatulong sa panahon ng kalamindad.
Tiniyak naman ni Canadian Ambassador to the Philippines, His Excellency, David Bruce Hartman sa OCD na prayoridad nila ang pagbibigay ng suporta at handa sila makipatulungan sa Pilipinas upang maibigay ang mga pangangailangan ng DRRM.
Samantala, inaasahan din ang pagbisita ni Harjit Sajjan Minister of International Development of Canada sa Marso 4, 2024 sa mga opisyal ng OCD sa pangunguna ni Deputy Administrator for Operations, Asec. Bernardo Rafaelito Alejandro IV.