^

Bansa

Canadian partnership aprub sa OCD

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nagkasundo ang Office of Civil Defense (OCD)  at Canadian embassy hinggil sa pagpapalakas ng kanilang kooperasyon sa pagtugon sa kalamidad sa bansa.

Ayon kay Civil Defense Administrator, Undersecretary Ariel F. Nepomuceno, nagkaroon sila ng pagkikipagpulong sa ilang opisyal ng  embahada kung saan tinalakay ang digitalization at warning system advancement; pagrerebisa ng DRRM protocols, framework, at system; pagpapalawak ng strategic coordination; pagpapabuti ng preparedness campaigns at mabilis na pagtugon ng national at local level.

Pinasalamatan din ni Nepomuceno ang pamahalaan ng Canada sa patuloy na suporta nito sa DRRM system ng bansa at sa mga susunod pang proyekto.

Naniniwala si Nepomuceno na mahalagang pagyamanin at paunlarin ang kooperasyon sa ibang bansa upang mas maging epektibo ang  hangarin na makatulong sa panahon ng  kalamindad.

Tiniyak naman ni Canadian Ambassador to the Philippines, His Excellency, David Bruce Hartman sa OCD na prayoridad nila ang pagbibigay ng  suporta at handa sila makipatulungan sa Pilipinas upang maibigay ang mga pangangailangan ng DRRM.

Samantala, inaasahan din ang pagbisita ni Harjit Sajjan Minister of International Development of Canada sa Marso 4, 2024 sa mga opis­yal ng OCD sa pangunguna ni Deputy Administrator for Operations, Asec. Bernardo Rafaelito Alejandro IV.

vuukle comment

BANSA

DRRM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with