Pangulong Marcos: NPA wala ng aktibong guerilla front
MANILA, Philippines — Ibinida ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na wala nang aktibong guerilla front ang New People’s Army (NPA) sa bansa.
Sa video statement ng Pangulo, sinabi nito na base sa talaan noong Disyembre 2023, napuksa na ng pamahalaan ang guerilla front.
Noong nakaraang taon ay nakapag-neutralize na anya ang pamahalaan ng 1,399 miyembro ng communist at local terrorist groups, habang nakakumpiska rin ng 1,751 mga baril sa pamamagitan ng paghuli at recovery sa mga sumukong rebelde.
“Ngayon, maaari na nating mai-report na wala ng active NPA guerilla front as of December 2023. Kaya patuloy nating ipaglalaban ito. Maganda naman ang performance ng ating AFP. Maganda naman ang performance ng ating mga pulis at maganda ang koordinasyon ng SND, ng Department of National Defense, lahat ng ating intelligence agencies. Sila nagtutulungan kaya naman naging matagumpay ang ating kampanya kontra sa internal terrorism,” sinabi pa ni Marcos.
Tiwala naman ang Pangulo na patuloy na mapagtatagumpayan ng pamahalaan ang paglaban sa rebeldeng grupo.
- Latest