^

Bansa

Pasahe sa modern jeep papalo sa P30-40

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Pasahe sa modern jeep papalo sa P30-40
Traditional transport jeepneys wait for passengers at a terminal on Pedro Gil Street corner Agoncillo Street in Manila on January 2, 2024.
Edd Gumban

MANILA, Philippines — Malaki ang posibilidad na pumalo sa P30 hanggang P40 ang minimum na pamasahe sa mga modern jeep.

Ito ang sinabi ni 1Rider Partylist Rep. Bonifacio Bosita kasabay ng pagdinig ng House Committee on Transportation.

Ayon kay Bosita, kailangan ito upang mabawi ang pinambayad sa pagbili ng modern jeep.

Sinabi ni Bosita na kahit bigyan ng subsidy ng pamahalaan ang mga bibili ng modern jeep, kakailangan pa rin ang P40 kada buwan para mabawi ang P2.8 milyon na pinangbili ng unit.

Bukod pa rito ang gastusin tulad ng krudo at pampasahod sa mga driver.

Dapat na kumita ang bawat modern jeep ng P7,000 kada araw kaya kailangan ang P30-40 pasahe.

Samantala, hinikayat din ni Bosita ang mga nasa transportation departments na ikonsidera ang pagbili sa mga sasakyan na gawang Pinoy para sa pagpapatupad ng Public Utility Vehicle (PUV) modernization program.

Sa ginawang motu proprio inquiry ng Kamara ukol sa nasabing programa, sinabi ng mambabatas na lubhang napakalayong mas mura ang mga gawang Pinoy kumpara sa mga galing pa sa ibang bansa.

Gagastos ang mga operator sa mga lokal na manufacturer ng P17,000 kada buwan kapag ito ay hulugan kumpara sa P40,000 na kada buwan na hulugan sa mga imported na sasakyan.

Sang-ayon naman dito si Land Transportation Franchi­sing and Regulatory Board Chairman Teofilo Guadiz kung saan binibigyan naman nila ang mga operator ng kalayaan na mamili.

JEEPNEY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with