^

Bansa

Modernized jeep na hindi Euro 4 compliant, sisilipin ng House panel

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Bubusisiin na rin ng Kongreso ang isyu na may mga modernized jeep subalit hindi Euro 4 compliant.

Ito naman ang sinabi ni SAGIP party­list Rep. Rodante Marcoleta kaya pinagsusumite niya ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board(LTFRB) ng listahan ng lahat ng modernized jeep na naipasok sa PUV modernization program.

Ayon kay Marcoleta, dapat na masuri kung ang lahat ng ito ay tumalima sa itinatakdang Euro 4 standard.

Kasama kasi aniya sa mga natanggap na ulat ng komite na may mga modern jeep na pinayagang makapasok sa programa kahit hindi naman Euro 4 standard. Handa naman tumalima ang LTFRB sa atas ni Marcoleta.

Sinabi naman ni LTFRB Chair Teofilo Guadiz ang naturang mga modern jeep ay dumaraan sa pagsusuri ng DTI upang masiguro na compliant sa itinatakda ng batas.

Ang paggamit ng Euro 4 standard na makina ay alinsunod sa Clean Air Act.

EURO 4

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with