^

Bansa

Indonesian president Widodo nangakong bubusisiin uli kaso ni Veloso — Palasyo

James Relativo - Philstar.com
Indonesian president Widodo nangakong bubusisiin uli kaso ni Veloso — Palasyo
Cesar Veloso (L) and Celia Veloso (R), parents of Mary Jane Veloso, a Philippine drug convict in Indonesia, hold placards as they join a protest to appeal for clemency and to hand a new letter of appeal for her freedom, at Mendiola Street in Manila on January 10, 2024. The Philippines renewed on January 9 its appeal for clemency for a Filipino woman on death row in Indonesia, hours before the country's president was scheduled to arrive in Manila for an official visit.
AFP/Jam Sta. Rosa

MANILA, Philippines — Nagbigay ng kanyang commitment si Indonesian President Joko Widodo na i-reexamine ang kaso ng overseas Filipino worker (OFW) na si Mary Jane Veloso na kasalukuyang nasa death row.

Nangyari ito isang araw matapos magmakaawa ni Celia Veloso kay Widodo na palayain at bigyan ng clemency ang anak na OFW dahil wala naman daw kasalanan ang nabanggit kaugnay ng drug trafficking.

"Yes, with the decision of the Indonesian government to look into the case filed by Mary Jane Veloso in the Philippines," wika ni Presidential Communications Office Secretary Cheloy Garafil sa isang mensahe sa mga reporters ngayong Huwebes.

"In fact, the Indonesian government is waiting for the decision of the Philippine court on the case she filed."

Taong 2010 pa nahatulan ng bitay si Mary Jane matapos maaresto sa Indonesia diumano dahil sa pagpapasok ng heroin sa Indonesia. Gayunpaman, patuloy niyang iginigiit ang pagiging inosente.

Una nang sinabi ng Migrante International na biktima ng human trafficking si Mary Jane at niloko lang aniya na magdala ng luggage na naglalaman ng droga.

Enero 2020 pa nang mahatulang guilty ng isang korte sa Nueva Ecija ang dalawang job recruiters ni Mary Jane para sa "large-scale illegal recruitment. Dahil dito, napatawan sila ng life imprisonment at P2 milyong multa.

Taong 2015 naman nang pansamantalang masuspindi ang parusang bitay kay Veloso matapos sumuko sa pulisiya si Maria Cristina Sergio na una nang itinuro ng OFW na nagtanim ng droga sa kanyang bagahe.

Nangyayari ang lahat ng ito kasabay ng pagbisita ni Widodo sa Pilipinas para sa isang bilateral meeting kasama si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. nitong Miyerkules.

Kasabay ng naturang pagpupulong nina Widodo at Marcos ang ika-39 kaarawan ni Veloso.

Kamakailan nang nang sabihin ni Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo na susubukan nilang mareresolba ang isyu patungong executive clemency

Tumutukoy ang executive clemency sa kapangyarihan ng presidenteng magbigay ng mas magaan na sintensya, conditional pardon o absolute pardon. — may mga ulat mula kay The STAR/Alexis Romero

DEATH ROW

DRUG TRAFFICKING

HUMAN TRAFFICKING

JOKO WIDODO

MARY JANE VELOSO

OVERSEAS FILIPINO WORKER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with