MANILA, Philippines — Libu-libong deboto ng Black Nazarene sa Quiapo, Maynila ang pinakain at pinainom ng Act Agri Kaagapay Organization na pinanumunuan ni Virginia Ledesma Rodriguez.
Dalawang araw na namigay ng tubig, pagkain, pansit, puto at tinapay si Rodriguez sa mga deboto ng Nazareno.
Inikot rin nito ang mga kalsada sa palibot ng simbahan ng Quiapo para ipamigay ang kanyang dala-dalang pagkain sa bawat masalubong na deboto. Tinatayang nasa 25-libong deboto ang kanyang napakain.
Aniya, taun-taon niyang ginagawa ang pagpapakain ng mga deboto bilang pagbabahagi ng kanyang blessing na natatanggap mula sa Panginoon.
“Sa aking maliit na kakayanan ay napawi ko ang pagod at hirap ng mga deboto na nagpuyat para makasama sa prusisyon ng itim na Nazareno,” anya.
Lubos naman ang kagalakan ng mga deboto na nabigyan ng pagkain ni Rodriguez.
Itinatag niya ang Act Agri Kaagapay para mas marami pa ang kanyang matutulungan sa iba’t ibang panig ng bansa.