Mas kaunting bagyo sa 2024 dahil sa El Niño
MANILA, Philippines — Dahil na rin sa epekto ng El Niño, inaasahan na kakaunting bagyo lamang ang papasok sa bansa ngayong taon.
Sinabi ni Philippine Astmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) climate monitoring chief Ana Liza Solis sa Bagong Pilipinas Ngayon briefing na 13 hanggang 19 na bagyo lang ang papasok ngayong 2024 sa bansa, mas kaunti sa dating 19-20 bagyo.
Idinagdag pa ni Solis na may posibilidad din na tinatawag natin na warm and dry season months na Marso, Abril at Mayo na isa sa pinakamainit na maitatala ngayong taon.
Paliwanag pa niya na historically, ang El Nino years ang mainit na temperatura na naitatala.
Nauna nang sinabi ng PAGASA na ang El Nino phenomenon ay maaaring lumawig hanggang sa ikalawang quarter ng 2024, kung saan karaniwang maaapektuhan ang agricultural provinces sa Northern at Central Luzon.
Kaya pinayuhan ni Solis ang sambahayan na gawin ang kanilang kayang pagtitipid at maghanda sa posibleng tagtuyot at huwag mag-aksaya ng tubig dahil kahit mataas ang lebel ng Angat dam at sapat ang supply ng tubig sa Metro Manila ay hindi pa rin dapat mag-aksya.
Samantala, tiniyak din ni Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) division manager Patrick Dizon na mas mataas ang lebel ngayon ng tubig sa Angat Dam na 213.49 meters kumpara sa 212 meter normal water elevation.
Ang nasabing dam ang siyang nagsu-supply ng tubig sa 90% ng Metro Manila at mga karatig lalawigan tulad ng Cavite at Rizal.
- Latest