Farm-to-market road program ng Pangulong Marcos admin, 51 porsyento natapos na
MANILA, Philippines — Matapos ang isa’t kalahating taon sa puwesto, ipinagmalaki ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na natapos na ang 51% ng Farm-to-Market Road Network Program ng Marcos administration
“I am happy to share a significant update sa ating Farm-to-Market Road Network program. Ang ating dapat na maging target is 131,410.66 kilometers sa anim na taon, maaari ko nang mai-report na 51 percent of that nabuo na natin,” sabi ng Pangulo sa maikling video message.
Mula sa naturang target, 67,328.92 km na ang naipagawa o 32 beses na road trips mula Aparri hanggang Jolo.
“It is a testament to the magnitude of accomplishment of the government. It is not an initiative only to do with agriculture, it is a connection between all the different communities but of course its main purpose is to connect the markets and the producers--- sa ating mga agricultural sectors lalo,” pahayag ni Marcos.
Pangako pa ng Pangulo sa publiko, tatapusin ang 131,410.66 kilometrong target bago matapos ang administrasyon.
Palalakasin din umano nito ang “Build, Better, More” program.
- Latest