^

Bansa

Marcos walang kumpas sa ICC – Duterte

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Marcos walang kumpas sa ICC – Duterte
Muling iginiit ni Duterte na nakikialam sa pribadong “affairs” ng bansa at nanghihimasok sa sobe­renya ng Pilipinas ang ICC.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Inihayag ni ­dating ­Pangulong Rodrigo Duterte na walang kinalaman si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa imbestigasyon ng International Criminal Court (ICC) kaugnay sa madugong drug war noong nakaraang administrasyon.

Muling iginiit ni Duterte na nakikialam sa pribadong “affairs” ng bansa at nanghihimasok sa sobe­renya ng Pilipinas ang ICC.

“It is the f****** ICC interfering in our private affairs, in the sense that it intrudes into the ­sovereignty of the other nations,” ani Duterte.

Nilinaw din nito na hindi niya kinakaladkad ang pangalan ni Marcos sa matagal ng isyu ng ICC.

Muling ipinagtanggol ni Duterte ang sarili tungkol sa naging kampanya niya laban sa ilegal na droga.

“Kung mayroon man akong ginawa, ito ay dahil ginawa ko ito para sa ­aking bansa…Hayaan mo na ‘yang ICC, ‘yang human rights, wala akong pakialam sa kanila. Kung may ginawa man ako. Kung tingin ng iba tama, kung tingin ng iba, mali, wala akong pakialam, basta ginawa ko para sa bahay ko, para sa mga anak ko,” ani Duterte.

Wala anya siyang pakialam kung dumating man sa bansa ang mga opisyal ng ICC para imbestigahan ang kanyang war on drugs.

ICC

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with