Election failure sa 2024 midterm polls, ibinabala
MANILA, Philippines — Nagbabala ang Election watchdog na Democracy Watch (DW) sa Commission on Elections (Comelec) sa posibilidad na pagkakaroon ng election failure sa 2025 midterm polls sa sandaling i-award ang electronic voting system contract sa South Korean firm Miru Systems Co. Ltd.
Base umano sa lumalabas na datos na nagpapakita ng performance ng Miru sa anim na bansa kung saan sila ang nagsagawa ng automated elections, nabigo ang halalan sa tatlong bansa dahil sa isyu ng voting machines.
Ang naturang mga halalan ay may alegasyon din ng dayaan at pagbulusok ng voter confidence dahil sa recount ng mga balota at paulit-ulit na pagboto.
Ito umano ay taliwas sa naganap na presidential election noong nakalipas na taon sa Pilipinas na nagkaroon lamang ng mababang “glitches” na kaagad naman natugunan na nagresulta sa mabilis na resulta ng halalan.
Bukod pa sa walang nakitang ebidensiya nang pandaraya ang Independent third-party observers sa 2022 national polls.
Ang DW ay isa sa opisyal na observer sa Comelec sa para sa 2025 Midterm elections.
Sa nakaraang bidding ng Comelec para sa P18.83-bilyong kontrata, idineklarang bigo ito makaraang ang Miru lamang ang mag-bid ngunit idineklara rin kinalaunan na hindi balido ang bid documents na isinumite nito.
Umapela ang DW sa Comelec na bago mahuli ang lahat dapat ikunsidera ang iba pang mga consortium na nakapagpapakita ng kapani-paniwalang halalan sa bansa.
- Latest