Ika-2 patay sa paputok naitala sa pagsipa ng New Year injuries sa 600

A man injured by a firecracker is carried by his relative as they arrive at the Jose Reyes Memorial Medical Center in Manila early on January 1, 2017, after new year's celebrations.
AFP/Noel Celis, File

MANILA, Philippines — Naitala na ng Department of Health (DOH) ang ikalawang casualty buhat ng pagsalubong sa Bagong Taon 2024, kasabay ang paglobo ng kaso ng ligaw na bala sa pito at fireworks-related injuries (FWRI) sa 600.

Sa FWRI report ng DOH na inilabas ngayong Biyernes, lumalabas na nadagdagan pa ng 15 ang nadisgrasya, kabilang ang karagdagang nasawi at stray-bullet injuries.

"Ang isang (1) nauna nang naitala na FWRI mula sa Rehiyon ng Ilocos ay nag-expire na rin — isang 44/M na nasa parehong insidente ng pagsabog (nagsindi ng sigarilyo habang umiinom malapit sa mga nakaimbak na paputok), kung saan naugnay ang unang naitalang pagkamatay," sabi ng kagawaran.

"Ang bawat buhay na apektado ng mga paputok at ligaw na bala ay isang dahilan upang baguhin ang paraan ng ating pagdiriwang."

Kabilang sa 15 bagong nadisgrasya ang sumusunod:

  • pinakabata: 4-anyos
  • pinakamatanda: 72-anyos
  • lalaking nadali ng paputok: 9
  • babaeng nadali ng paputok: 2
  • gumamit ng iligal na paputok: 7
  • nadisgrasya sa bahay o kalsada: 10
  • tinamaan ng ligaw na bala: 4

"Sa mga bagong kumpirmadong SBI, ang una ay isang 28/F mula sa CALABARZON na nagtamo ng tama ng bala (GSW) sa kanyang kanang braso habang nanonood ng mga paputok sa labas ng kanilang tahanan," dagdag ng DOH.

"Ang pangalawa at pangatlo ay mula sa Rehiyon ng Ilocos: isang 22/F na nagtamo ng GSW malapit sa kanyang kaliwang tainga matapos magpaputok ng baril ang kanilang kapitbahay malapit sa kanilang bahay, at ang kanyang 26 taong gulang na kapatid na lalaki na nagtamo ng GSW sa kanyang kanang itaas na likod."

Ang ika-apat ay isang 22-anyos na lalaki galing Northern Mindanao, na nagtamo ng gun shot woun sa kanyang kanang braso habang nagdiriwang kasama ang pamilya.

Nadisgrasya nasa 600

Umabot naman na sa 600 sa ngayon ang mga nadisgrasya sa pagsalubong ng taong 2024. Binubuo 'yan ng 592 biktima ng paputok, isang nakalunok ng watusi at pitong stray-bullet injuries.

Bukod sa dalawang namatay, 53 ang nasa ospital pa rin para magpagamot.

Dito naitala ang may pinakamaraming FWRIs sa buong bansa:

  • Metro Manila: 53%
  • Ilocos Region: 10%
  • CALABARZON: 8%
  • Central Luzon: 7%

Lumabas na 96% ng mga nadisgrasya ay nangyari sa bahay at mga lansangan habang karamihan ay lalaking may aktibong pakikilahok.

Nangunguna pa rin sa mga nakadidisgrasya ang sumusunod, ang may asterisk ay iligal na paputok:

  • Kwitis
  • 5-star*
  • Pla-pla*
  • Whistle Bomb
  • Luces
  • Boga*
  • Fountain

"Tandaan na para sa 89 (15%) na mga kaso, ang paputok ay hindi tukoy," sabi pa ng Kagawaran ng Kalusugan.

"Magtulungan tayo para sa #BagongPilipinas kung saan #BawatBuhayMahalaga at nababawasan ang pinsala mula sa paputok."

Show comments