MANILA, Philippines — Inilabas na ng Malakanyang ang listahan ng mga holidays at long weekend ngayong 2024 na dapat umanong lubusin ng mga mamamayan.
Sa Facebook post ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sinabi niya na ito ay para mapaghandaan ang mga transaksyon sa gobyerno at bakasyon ng mga Filipino.
Kabilang sa mga deklaradong holiday ang January 1-New Year’s Day, February 10-Chinese New Year, March 28-Maunday Thursday, March 29-Good Friday March 30-Black Saturday, April 9- Araw ng Kagitingan, May 1-Labor Day, June 12- Independence Day, August 21-Ninoy Aquino Day, August 26-National Heroes Day, Nov. 1- All Saint’s Day, Nov. 2-All Soul’s Day, Nov. 30-Bonifacio Day, Dec. 8-Feast of the Immaculate Conception of Mary, Dec. 24-Christmas Eve, Dec. 25-Christmas Day, Dec. 30-Rizal Day, Dec. 31- Last day of the year.
“Lubusin natin ang mga long weekend ngayong 2024 kasama ang ating pamilya at mga mahal sa buhay,” pahayag ni Pangulong Marcos. “Paghandaan din nating mabuti ang ating mga transaksyon at bakasyon para sa isang produktibo at masaganang taon,” sabi ng Pangulo.