Pasahe sa jeep, posibleng umabot sa P50

Traditional transport jeepneys wait for passengers at a terminal on Pedro Gil Street corner Agoncillo Street in Manila on January 2, 2024.
STAR/Edd Gumban

Pangamba ng commuters group

MANILA, Philippines — Nangangamba ang isang commuters group na posibleng umabot sa P50 ang pasahe kung tuluyang mapapalitan ng mga modernong public utility vehicles (PUVs) ang mga tradisyunal na jeepney.

Ayon kay Julius Dalay, chairman ng Commuters of the Philippines, inaasahan na nilang magiging malaki ang epekto sa pasahe ng PUV Modernization Program (PUVMP) na isinusulong ng pamahalaan.

Bunsod na rin aniya ito ng magiging amortization ng mga operators sa pagbili ng mga modernized jeepney.

Sakali naman aniyang tuluyan ngang umabot sa P50 ang pasahe ay labis itong masakit sa bulsa ng mga mananakay.

Binigyang-diin pa niya na wala namang commu­ters na tutol na maging moderno at bago ang kanilang masasakyan.

Ang tanging kuwestiyon lamang aniya nito ay ang timing at phasing ng programa.

Show comments