MANILA, Philippines — Limang bagyo ang inaasahang papasok sa bansa sa unang kuarter ng taong 2024.
Ayon kay Aldzcar Aurelio, PAGASA weather specialist, papasok ang naturang mga bagyo sa panahon na umiiral ang El Niño phenomenon sa bansa.
Anya, kung karaniwang nararanasan ang malakas na pag-ulan kapag may mga bagyo, sa pagpasok ng naturang mga bagyo ay hindi gaanong marami ang ulan dahil sa epekto ng El Niño o panahon ng mababang tsansa ng pag ulan.
Ang limang bagyo ay may pangalang Aghon, Butchoy, Carina, Dindo at Enteng.
Patuloy na nakakaranas ng minsang pag-ulan sa Luzon laluna sa Metro Manila, Tarlac, Nueva Ecija, Zambales, Bataan at Pampanga dahil sa epekto ng amihan.