^

Bansa

'443 cases': Unang patay sa paputok, ligaw na bala naitala nitong New Year

James Relativo - Philstar.com
'443 cases': Unang patay sa paputok, ligaw na bala naitala nitong New Year
Revellers watch as fireworks light up the sky ushering in the New Year at Rizal Park, in Manila on January 1, 2024.
AFP/Jamillah Sta. Rosa

MANILA, Philippines — Umabot na sa 443 katao ang nadisgrasya sa paputok habang inaabangan at pinagdiriwang ang Bagong Taon — isa sa mga kanila ay tinamaan ng stray bullet habang isa naman ang namatay.

Ito ang ibinahagi ng Department of Health (DOH) sa kanilang ika-12 fireworks-related injury (FWRI) report, bagay na sakop ang ika-21 ng Disyembre hanggang madaling araw ng ika-2 ng Enero.

"Ang kaso ng [stray bullet injury] ay isang 23 taong gulang na lalaki mula sa Davao Region na nagkaroon ng tama ng bala sa kanyang kaliwang itaas na likod," wika ng DOH ngayong Martes.

"Ang unang namatay ay isang 38/M mula sa Ilocos Region na nagsindi ng sigarilyo habang nakikipag-inuman sa iba malapit sa nakaimbak na paputok. Hindi dapat magsama ang baril, alak, at paputok."

Narito ang itsura ng mga pinankabagong kasong naitalaga ng Kagawaran ng Kalusugan:

  • bagong kaso: 212
  • pinakabata: 1-anyos
  • pinakamatanda: 71-anyos
  • lalaki: 166
  • babae: 46
  • nangyari sa loob ng bahay at lansangan: 206
  • disgrasya sa ligal na paputok: 102
  • disgrasya sa iligal na paputok: 110
  • aktibong nakilahok: 94
  • amputation: 6

"Mayroong isang daan at dalawampu't dalawa (122, 28%) na mga kaso na may mga pinsala sa mata, na humahantong sa isang kumpirmadong kaso ng pagkabulag. Mayroon ding isa (1) pang kaso ng pagkawala ng pandinig, na naging dalawa (2) ang kabuuan," dagdag pa ng DOH.

"Magsikap tayo upang maiwasan ang mga pinsala at pagkamatay mula sa ligaw na bala at 'aksidente' dahil sa kalasingan. Alam ng mga responsableng may-ari ng baril na ang balang ipinutok pataas ay bababa rin, at hindi gamit para sa pagdiriwang ang baril. Ang pagkamatay na iniulat ngayon ay isang insidente na naghihintay na mangyari dahil ang alak ay nakasisira ng wastong pagiisip. Maiiwasan natin ang mga ito; dapat tayong magtulungan sa lahat ng sektor para dito."

Sa kabutihang palad, wala namang karagdagang naitalang kaso ng pagkakalunok ng paputok sa ngayon.

443 nadisgrasya lahat-lahat

Sa kabuuan, pumalo na sa 443 ang naitatalang FWRIs. Sinasabing 441 sa kanila ay dahil sa paputok, isa ang dahil sa watusi habang isa naman ang tinamaan ng ligaw na bala.

Pumalo naman sa 17 ang napilitan maputulan ng bahagi ng katawan dahil sa firecrackers at fireworks. 97% sa mga nadisgrasya ay nangyari sa sariling bahay at mga lansangan. Karamihan sa mga nadali ay lalaking may aktibong pakikilahok sa paputok.

Karamihan sa mga FWRIs ay nagmula sa mga sumusunod na lugar:

  • National Capital Region: 57%
  • Ilocos Region: 8%
  • Cagayan Valley: 8%
  • CALABARZON: 7%

Ang mga tukoy na paputok na nagdulot ng hindi bababa sa 70% ng mga FWRI ay ang mga sumusunod: kwitis, 5-star*, boga*, pla-pla*, whistle bomb, fountain, luces, piccolo* at triangle*.

Ang mga iligal na paputok (may asterisk) ay sinasabing nakapaminsala ng 173 katao, katumbas ng 39%. Sa kabilang-palad, karamihan sa mga FWRIs ay idinulot ng mga ligal na paputok.

"Magtulungan tayo para sa #BagongPilipinas kung saan #BawatBuhayMahalaga at nababawasan ang pinsala mula sa paputok," panapos ng DOH.

CASUALTY

DEATH

DEPARTMENT OF HEALTH

FIRECRACKERS

FIREWORKS

INJURY

NEW YEAR

STRAY BULLET

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with