^

Bansa

Naputukan umakyat na sa 28

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Naputukan umakyat na sa 28
Sa file photo na ito, makikita kung paano lapatan ng paunang lunas ang isang nadali ng paputok
The STAR, File

MANILA, Philippines — Umakyat na sa 28 indibidwal ang naputukan ng iligal na mga paputok may anim na araw bago sumapit ang Bagong Taon, ayon sa datos ng Department of Health (DOH).

Ito ay makaraang madagdagan ng 16 na bagong kaso ng naputukan ang talaan ng DOH sa Day 4 ng kanilang paglalabas ng FWRI (Fireworks Related Incident) Report.

Mula alas-6 ng ­umaga ng Disyembre 24 hanggang alas-5:59 ng umaga ng Disyembre 25, nakapagtala ng anim na naputukan kabilang ang isang nagtamo ng pinasala sa mata na nanonood lamang ng fireworks sa isang “desig­nated area”.

Ang mga bagong kaso ay may mga edad na mula anim hanggang 35 taong gulang, kabilang ang isang babae.

Nasa 94% ng naputukan ay nangyari sa loob ng bahay o sa kalsada. Nasa 31% ang mula sa National Capital Region (NCR).

“The total count is now at twenty eight (28), with ten (10, 36%) cases having passive involvement,” ayon sa DOH.

Kaya paalala ng kagawaran, maging mai­ngat pa rin kahit na nanonood ng putukan sa designated areas dahil sa hindi malalaman kung kailan mangyayari ang aksidente.

Mas mainam umano na mga propesyunal ang mamamahala ng mga paputok habang tiyakin na nasa ligtas na distansya ang mga manonood.

DEPARTMENT OF HEALTH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with