‘Liwanag, pagmamahal at pagkakaisa sa bawat pamilyang Pinoy’, Christmas wish ni Pangulong Marcos
MANILA, Philippines — Hiniling ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa pagdiriwang ng Pasko na sana ay magkaroon ng “liwanag, pagmamahal at pagkakaisa” ang bawat pamilyang Pilipino.
“Nawa’y magdala ang Kapaskuhan ng liwanag sa ating mga puso at muling magbukas ng pintuan para sa pagmamahal at pagkakabuklod,” sabi ng Pangulo sa kanyang Facebook page.
“Mula sa aking pamilya, isang maligaya at mapagpalang Pasko sa inyong lahat,” dagdag niya.
Hinimok din ng Pangulo ang mga mananampalatayang Pilipino na laging alalahanin ang tunay na kahulugan ng Pasko at maging instrumento ng pag-asa at liwanag para sa mga nangangailangan ngayong Kapaskuhan.
Sa kanyang mensahe sa Pasko, sinabi rin ni Marcos na ang Pasko ay isang espesyal na okasyon para sa mga Pilipino kung saan nagpupugay sa kapanganakan ni Kristo sa pamamagitan ng Simbang Gabi, pagbibigay ng regalo, at pagsasama-sama ng mga kaibigan, kamag-anak at mahal sa buhay.
- Latest