^

Bansa

Special committee sa LGBTQIA+, nilikha ni Pangulong Marcos

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Special committee sa LGBTQIA+, nilikha ni Pangulong Marcos
Sa LGBT Pride Reception kasama si First Lady Liza Marcos, ito ang isinulong natin bilang bahagi ng ating pagbibigay-daan sa isang Bagong Pilipinas na hatid ay oportunidad, proteksyon at pagpapahalaga sa bawat isa.
Bongbong Marcos / Facebook Page

MANILA, Philippines — Naglabas si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ng executive order (EO) na lumikha ng isang espesyal na komite para sa mga ­usapin ng lesbian, gay, bisexual, transgender, queer, intersex at a­sexual (LGBTQIA+).

Sa ilalim ng EO 51 na pinirmahan ni Marcos noong Biyernes, ang Special Committee on LGBTQIA+ Affairs, na sasailalim sa reconstituted Diversity and Inclusion Committee (DIC), ay pangungunahan ng isang chairperson na may ranggong undersecretary at magkakaroon ng tatlong miyembro na may ranggo. ng assistant secretary.

Pipiliin ng Pangulo ang tagapangulo at mga miyembro ng espesyal na komite mula sa mga kilalang organisasyon na kumakatawan sa komunidad ng LGBTQIA+, ayon sa EO.

Ang isang kinatawan mula sa Department of Migrant Workers (DMW), Department of Labor and Employment (DOLE), at Department of Education (DepEd) na may ranggo na hindi bababa sa assistant secretary o katumbas nito ay magsisilbi rin bilang miyembro ng special committee. sa isang ex officio na kapasidad.

Ang DIC ay pangu­ngunahan ng Department of Social Welfare and Development secretary at co-chaired ng mga kalihim ng DMW at ng DOLE.

Ang kalihim ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang magsisilbing vice chairperson.

“The creation of a Special Committee on LGBTQIA+ Affairs under the Inter-Agency Committee aims to strengthen existing mechanisms to address the continued discrimination being experienced by the members of the LGBTQIA+ community, and to provide them an avenue to participate in policy formulation of the government despite the absence of an established body specifically dedicated to promote their rights and address their concerns,” nakasaad sa EO.

LGBTQIA+

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with