P12 bilyong Pag-IBIG credit line para sa NHA malaking tulong sa ‘Pambansang Pabahay’ ng gobyerno - DHSUD

MANILA, Philippines — Malaking tulong ang pagkakaapruba ng P12 bilyong Pag-IBIG Fund credit line sa National Housing Authority (NHA) para makamit ang hangarin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na magkaroon ng sariling bahay ang mamamayan sa ilalim ng Pambansang Pabahay para sa Pilipino (4PH) Program ng pamahalaan.

Ito ang sinabi ni Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) Secretary Jose Rizalino Acuzar nang magpahayag ng pagkilala sa Pag-IBIG Fund para sa kanilang commitment na masuportahan ang 4PH.

Una nang inaprubahan ng Pag-IBIG Fund Social Housing Finance Corporation (SHFC) at NHA para pondohan ang “Pambansang Pabahay”.

“This is another solid proof of the Marcos Jr. Administration’s relentless effort to uplift the lives of the poorest of the poor,” sabi ni Acuzar.

Ang naturang pondo ay gagastusin sa pagtatayo ng 9,110 housing units ng NHA na may inisyal na 6,967 sa Quezon City, Valenzuela, Zamboanga at San Juan.

Ang pinakahuling pinaglaanan ng pondo ng Pag-IBIG para sa NHA ay ang itinatayong medium at high-rise condominiums na kapapalooban ng 4,100 units sa QC, 1,377 units sa Valenzuela, 944 units sa Zamboanga at 535 units sa San Juan.

Show comments