MANILA, Philippines — Upang ang mamamayan ay magkaroon ng seguridad sa pagkain at malabanan ang mataas na presyo ng basic commodities, isang organisasyon sa agricultural sector ang itinayo.
Kung babalikan ang taong 2023, wala umanong nagbago sa mga isyu ng mga Pinoy sa buhay, partikular na sa laban sa seguridad sa pagkain at mataas na presyo ng basic commodities, lalo na sa sektor ng agrikultura.
Ang hamong ito ang nagtulak kay Ms. Virginia Rodriguez upang lumikha ng isang organisasyon na tunay na magpopokus at tutulong sa troubled sector, na nakakaapekto sa karamihang Pinoy.
Ani Ms. Virginia, ang Act Agri Kaagapay ay hindi lamang isang agricultural organization, kundi isang samahang may puso at sinserong layunin na makamit ang tunay na tagumpay sa pagsasaka, sa pamamagitan ng best practices at modern technology sa buong mundo.
“Soon, our country will no longer be affected by food crisis once we unite to fight “poverty and hunger” by combining our experiences, knowledge, best practices, technology and development in agricultural area,” wika ni Ms. Rodriguez.