Walang Pinoy sa Prague shooting

MANILA, Philippines — Walang Pinoy na nadamay sa insidente ng pamamaril sa isang university sa Prague kung saan mahigit sa 10 katao ang nasawi.

Sa ulat ng Philippine Embassy sa Czech Republic, anim na Filipino students sa Charles University ang ligtas sa naturang pamamaril.

“The Philippine Embassy in Prague wishes to inform the Filipino community in the Czech Republic and that it has contacted a representative of the six known Filipino students at the Charles University, and ascertained that all of them are safe and everyone is monitoring the situation closely,” pahayag ng embahada.

Sa ulat ng CNN International, bigla na lamang namaril ang estudyanteng suspek sa Faculty of Arts building ng unibersidad kung saan mahigit sa 20 indibidwal ang nasugatan.

Kaagad nasawi ang gunman subalit hindi pa ito pinangalanan ng mga otoridad.

Bagamat kontrolado na ang sitwasyon, pinayuhan naman ng embahada ang mga Pinoy na malapit sa lugar ng insidente na maging maingat.

Show comments