^

Bansa

PSA: 25.24-M Pinoy kulang kinikita para sa 'basic food, non-food needs'

James Relativo - Philstar.com
PSA: 25.24-M Pinoy kulang kinikita para sa 'basic food, non-food needs'
Shoppers flock to Divisoria in Manila on December 20, 2023.
The STAR/Walter Bollozos

MANILA, Philippines — Sinasabing nasa 22.4% ang "poverty incidence" o bahagi ng populasyong Pilipino na hindi sapat ang kinikita para matustusan ang batayang pangangailangan sa pagkain atbp.

Ayon sa preliminary 2023 first semester official poverty statistics ng Philippine Statistics Authority (PSA) ngayong Biyernes, katumbas ng porsyentong 'yan ang 25.24 milyong Pilipino.

Mas mababa ito kumpara sa sa 23.7% poverty rate sa parehong panahon noong 2021, bagay na katumbas ng 26.14 milyong nabuhay "below poverty line."

"On the average, a family of five members will need at least PhP13,797 per month to meet their minimum basic food and non-food needs in the first semester of 2023," wika ng PSA.

"On the other hand, subsistence incidence among Filipinos or the proportion of Filipinos whose income is not enough to buy even the basic food needs was registered at 8.7 percent or about 9.79 million Filipinos in the first semester of 2023."

 

 

Ineestimang nasa P9,550 ang monthly food threshold ng pamilyang may limang miyembro sa parehong panahon.

Kung pami-pamilya ang titignan at hindi basta populasyon, lumalabas naman nasa 16.4% ang first semester 2023 poverty incidence. Katumbas 'yan ng 4.51 milyong mahihirap na pamilya.

"Meanwhile, the subsistence incidence among families was recorded at 5.9 percent or about 1.62 million food poor families in the first semester of 2023," dagdag pa ng PSA.

Lumabas ang ulat na ito isang araw matapos ibalita ng Social Weather Stations (SWS) na bumaba sa 16.9% ang joblessness sa bansa nitong Setyembre, isang pagbagsak mula sa 22.8% nitong Hunyo.

Ngayong buwan lang nang sabihin ng parehong survey firm na 48% ng mga Pilipino ang naniniwalang gaganda ang buhay nila sa susunod na 12 buwan.

ECONOMY

PHILIPPINE STATISTICS AUTHORITY

POVERTY

SOCIAL WEATHER STATIONS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->