Libong pamilya pinasaya sa Christmas gift giving

Ms. Virginia Rodriguez

MANILA, Philippines — Naramdaman ng mga taga-San Nicolas, Manila ang pagmamahal at suporta ni Ms. Virginia Rodriguez ng mag­hatid siya ng mga regalo sa halos isang libong pamilya sa kanilang lugar.

Sa pangunguna ni Ms. Virginia, naisagawa ang munting paskuhan sa San Nicolas sa tulong ni Fr. Douglas Badong ng Nuestra Senora de la Soledad de Manila Parish kaagapay din ang mga miyembro ng Hijos Del Nazareno MBBN.

Hindi rin maialis ang tuwa sa halos 500 kabataan ang nakibahagi sa Children Feeding program ni Ms. Virginia.

Sa mahigit na dekadang mabuting gawain ni Ms. Virginia, hindi na nawawaglit sa kanya ang mga batang paslit na halos walang makain sa daan sapagkat alam niya na ang mga ito ay magiging bahagi ng lipunan na maaring makatulong sa pag-unlad ng bayan.

Anya, ang pasko ay pag-ibig, pagpapatawad at pagbibigay sa kapwa.

“Magbigay po tayo o mag-share ng blessing sa mga less fortunate po nating mga kababayan,” wika niya.

Likas sa kanya ang pagiging matulungin sa kapwa, kahit hindi pasko ay palagian siyang nagbabahagi ng kanyang blessing at higit sa lahat ang kanyang adbokasiya sa pagpapalaganap at pagsusulong ng Organic Farming, ha­ngaring makatulong sa libu-libong Magsasaka at ma­pa­baba ang presyo ng bilihin sa bansa.

Show comments