PUV modernization, Dec. 31 consolidation deadline ipinatitigil sa Korte Suprema

Litrato ng paghahain ng petisyon ng PISTON, No to PUV Phaseout Coalition, atbp. sa Korte Suprema, ika-20 ng Disyembre, 2023
Released/No to PUV Phaseout Coalition

MANILA, Philippines — Naghain ng petisyon ang Piston atbp. grupo sa Korte Suprema para mahinto ang pagpapatupad ng PUV Modernization Program at December 31 consolidation deadline ng gobyerno, bagay na ikawawala ng trabaho ng libu-libo sa 2024.

Humiling ang grupo ng "restraining order" laban sa mga nabanggit matapos lagdaan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang Memorandum Circular 2023-051, bagay magbabawal sa mga unconsolidated jeepneys na pumasada simula ika-1 ng Enero.

"Given the extreme urgency and in order that the petitioners may not suffer great and irreparable injuries, petitioner move for the issuance of a Temporary Restraining Order and/or a Preliminary Injunction to enjoin the implementation of the assailed administrative issuances," wika ng petisyon.

"This is in order to protect the substantive rights and interests of the Petitioners while the case is pending before the Honorable Court."

 

 

Kabilang sa mga pinaiisyuhan ng TRO at/o writ of preliminary injuction ang mga sumusunod:

  • DOTr Department Order No. 2017-011 (Re: Omnibus Guidelines on the Planning and Identification of Public Road Transportation Services and Franchise Issuance)
  • LTFRB Memorandum Circular 2018-008 (Consolidation of Franchise Holders in Compliance with Department Order No. 2017-011, otherwise known as the Omnibus Franchising
  • Guidelines (OFG)
  • LTFRB MC 2019-066 (Simplified Process for Applications for Consolidation of Individual and Existing Franchise Holders in Compliance with the PUVMP and the Department Order No. 2017-011 (OFG)
  • LTFRB MC 2020-084 (Extension of Time to File Application for Consolidation Pursuant to Industry Consolidation of PUVMP)
  • LTFRB MC 2021-021 (Guidelines for the Issuance of Provisional Authority to Units of Individual Operators with Pending Application for Consolidation and those that Failed to File an Application for Consolidation Pursuant to the Omnibus Franchising Guidelines (OFG) and the Procedure in the Qualification and Selection of Applicant
  • LTFRB MC 2023-047 (Guidelines for the Acceptance of Application for Consolidation)
  • LTFRB MC 2023-051 (Allowing Operations of Consolidated Transport Services Entities in All Routes with Filed Applications for Consolidation on or before 31 December 2023)

Bukod sa Piston, kabilang din sa mga petitioner ang Bayan Muna party-list, No to PUV Phaseout Coalition-Panay at abogadong si Neri Colmenares.

Itinutulak ng gobyerno ang konsolidasyon ng mga public utility vehicles (PUVs) sa kalakip ng PUVMP. Kakailanganing makapagtransisyon patungong "modernong" minibuses o e-jeeps ang mga jeepney at UV Express 27 buwan matapos ang ika-31 ng Disyembre. Magsisimula ang phase out matapos nito.

140k tsuper, 60k operator 'mawawalan ng trabaho'

Una nang sinabi ng Department of Transportation nitong ika-30 ng Nobyembre na 84,809 public utility jeepney units (57%) at 12,508 UV Express units (65%) pa lang ang nakonsolida sa ilalim ng mga kooperatiba o korporasyon.

Dahil dito, lumalabas na 64,639 PUJs (43%) at 6,756 UVE units pa ang hindi konsolidado. Mas mababa pa ang consolidated units sa Metro Manila — 10,973 PUJ units (26%) at 2,947 UVE.

"These figures, according to IBON Foundation, would mean that around 140,000 drivers and [60,000] operators nationwide, along with their families, would be economically displaced as a result of the
enforcement of the mandatory consolidation measure under the government’s PUV 'modernization' program," dagdag ng petitioners.

"The petitioners are among those who stand to be directly and negatively affected by the enforcement of the mandatory consolidation measure under the
assailed administrative issuances."

Inihain ang naturang petisyon habang nagkakasa ng dalawang linggong transport strike hanggang Bagong Taon ang grupong MANIBELA dahil din sa parehong isyu.

Una nang sinabi ng Piston na handa silang makipagsanib pwersa sa MANIBELA para sa tigil-pasada. — may mga ulat mula kay Ian Laqui

Show comments