Face mask sa Simbang Gabi, hinirit
MANILA, Philippines — Hinikayat ng Simbahang Katoliko na boluntaryong magsuot ng facemask ang mga dadalo sa tradisyunal na Simbang Gabi kasunod ng pagtaas muli sa mga kaso ng COVID-19 sa bansa.
Sa circular na inilabas nitong Disyembre 15, sinabi ni Cardinal Jose Advincula na ito ay ayon sa rekomendasyon ng Ministry of Health Care ng arkidiyoseses.
Sa kabila nito, hindi umano dapat matanggalan ng kasiyahan ng Pasko ang publiko na kailangan lamang sumunod sa mga health and safety protocols para mas mabisang makapagselebra ng Pasko.
Pinaalalahanan din ng simbahan ang mga maysakit na huwag nang makihalo sa ibang tao at manatili na lamang sa bahay para magpagaling.
Dumagsa kahapon ang milyong mga Katoliko sa mga simbahan sa opisyal na pag-uumpisa ng Simbang Gabi. Nag-uumpisa ito tuwing Disyembre 16 at nagtatapos ng Disyembre 24.
Tiniyak ni Advincula na ang mga susunod na araw ay kakikitaan ng mas masaya kasabay ng puno ng pananampalataya na antisipasyon sa Pasko.
- Latest