MANILA, Philippines — Itinaas ng P500 ang buwanang sahod ng mga kasambahay sa Metro Manila makaraang aprubahan ang wage order ng NCR Regional Tripartite Wages and Productivity Board (RTWPB).
Inilabas ang wage order nitong Disyembre 12 dahilan para tumaas ang buwanang sahod ng mga kasambahay sa NCR sa P6,500.
Dinagdagan din ang buwanang sahod ng mga kasambahay sa CARAGA ng P1,000 kada buwan para tumaas ang buwanang sahod sa P5,000.
Sa isa pang wage order, dinagdagan ng P20 kada araw ang sahod ng mga minimum wage earbers at dagdag na P15 sa ikalawang tranche sa Mayo 2024.
Dito tataas sa P385 kada araw ang sahod ng mga kasambahay sa rehiyon.
Magiging epektibo ang wage order sa NCR sa Enero 3,.2024, habang ang wage order sa CARAGA ay epektibo sa Enero 1, 2024.