18th Las Piñas Parol Festival, tampok environment sustainability — Villar

Ginanap din ang 14th Street Dancing competition sa parehong lugar ng araw ding ito.
STAR / File

MANILA, Philippines — Alinsunod sa kanilang commitment na suportahan ang lantern industry kung kaya’t naging Metro Manila parol-making capital ang Las Piñas at isulong ang environmental sustainability­, idinaos ang 18th Parol Festival noong December 13, 2023 sa Villar SIPAG complex sa Las Piñas City.

Ginanap din ang 14th Street Dancing competition sa parehong lugar ng araw ding ito.

Ipinahayag ni Senator­ Cynthia Villar na naging ba­­­hagi ng buhay ng mga Las Piñeros ang makukulay na kaganapang ito bilang pagdiriwang sa darating na Kapaskuhan.

Kinilala niya ang patuloy na passion ng Las Piñeros na makagawa ng kakaiba at envi­ronmental na friendly “parol” kaya nangingibabaw ang Las Piñas pagdating sa parol.

Sa kabila ng mga hamong­ kinakaharap ng ating bansa, nais nilang makaranas ang kanilang mga nasasakupan ng isang araw na puno ng saya.

“The festive moods wat­­ching­ these glittering parols made by our own ‘magpa­parol’ and seeing our stu­dents­ giving out their best dance steps were indeed heartwarming,” ayon kay Villar.

Ang mga nanalo sa taunang parol-making contest ay sina; grand winner- Luzviminda Gallardo, P20,000; 1st runner-up Annalisa Flores, P15,000; at 2nd runner-up Glecy Dela Cruz, P10,000.

Tumanggap ang 16 lu­ma­hok ng 2,500 consolation prize.

Bahagi ng kumpetisyon ang adhikain ni Villar na isulong ang garbage recycling at efficient solid waste ma­nagement.

Ang mga nanalo sa street-dancing competition ay sina: Grand Winner- CAA Elementary School, P50,000; 1st runner-up, Pamplona Elem. School, and 2nd runner-up, Golden Acres Elementary School, P20,000, na itinang­hal na Best in Costume at tumanggap P5,000.

Sa taong ito, may 12 entries sa street dancing competition nalalong nagpakulay sa festival.

Show comments