48% ng Pinoy umaasang gaganda buhay sa 2024, pero iba hindi sing optimistiko
MANILA, Philippines — Halos kalahati ng mga Pilipinong nasa wastong gulang ang umaasang mas iinam ang estado ng kanilang pamumuhay sa susunod na 12 buwan, ayon sa huling pag-aaral ng Social Weather Stations (SWS).
Ito ang lumalabs sa pinakahuling national social weather survey ng SWS na ikinasa nitong ika-28 ng Setyembre hanggang ika-1 ng Oktubre:
- aayos ang buhay: 48%
- pareho lang: 40%
- lalala: 6%
- walang sagot: 7%
"The resulting Net Personal Optimism score is +42 (% Optimists minus % Pessimists), classified by SWS as excellent (+40 and up)," wika ng SWS kanina.
"The September 2023 Net Personal Optimism score was similar to the excellent +41 in June 2023."
Sinusukat ng naturang survey ang inaasahang pagbabago ng mga respondents sa kanilang pamumuhay sa susunod na 12 buwan, bagay na iniikot na nang 150 beses ng SWS simula pa noong 1984.
Sinasabing 11 beses pa lang naging negatibo ang net personal optimism sa mga naturang survey, bagay na pinakasumadsad sa -9 noong Mayo 2020 sa gitna ng COVID-19 pandemic lockdown. Nakabawi na ito sa ngayon sa pre-pandemic levels.
"The 1-point increase in the national Net Personal Optimism score between June 2023 and September 2023 was due to increases in Balance Luzon (or Luzon outside of Metro Manila) and Mindanao, combined with decreases in Metro Manila and the Visayas," paliwanag ng SWS.
"Compared to June 2023, Net Personal Optimism stayed excellent in Balance Luzon, up by 6 points from +44 to +50."
- Metro Manila: +30 (very high)
- Balance Luzon: +50 (excellent)
- Visayas: +30 (high)
- Mindanao: +43 (excellent)
Inilabas ang mga naturang datos matapos pumalo sa 2.09 milyon ang walang trabaho sa Pilipinas nitong Oktubre, maliban sa bahagyang pagbagal ng inflation sa 4.1%.
'Excellent' sa college, junior high grads
Kumpara noong Hunyo, nanatiling excellent ang net personal optimism ng mga nagtapos ng kolehiyo o kumuha ng post-graduate studies. Gayunpaman, bumaba ito ng apat na puntos mula +50 patungong +46.
Ganito rin ang lumabas sa mga nagtapos ng junior high school, vocational schooling at kumuha ng senior high. Hindi ito gumalaw halos mula +47 patungong +46.
"It stayed very high among those who either finished elementary or had some high school education, up by 6 points from +32 to +38," dagdag ng SWS.
"It rose from high to very high among those who either had no formal education or some elementary education, although barely moving from +29 to +30."
Mas mataas naman ang net personal optimism sa mga self-rated not poor kumpara sa mga "borderline" at mahihirap.
Ginamitan ng face-to-face interviews sa 1,200 katao ang third quarter 2023 SWS survey at may sampling error margins na ±2.8% para sa national percentages, at ±5.7% para sa Metro Manila, Balance Luzon, the Visayas, at Mindanao.
Non-commissioned ang naturang pag-aaral at isinagawa gamit ang sariling inisyatiba ng SWS bilang serbisyo publiko.
- Latest