^

Bansa

No extension sa PUV consolidation deadline

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
No extension sa PUV consolidation deadline
Nagprotesta ang iba’t ibang transport cooperatives sa Mendiola, Manila kahapon bilang suporta sa PUV Modernization Program. Tinututulan din ng grupo ang pagpapalawig sa Dec. 31, 2023 deadline sa PUV Consolidation.
Ernie Peñaredondo

MANILA, Philippines — Hindi na palalawigin pa ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang deadline ng consolidation ng public utility vehicles (PUVs)para sa jeepney modernization program.

“Today, we held a meeting with transport officials, and it was decided that the deadline for the consolidation of public uti­lity vehicles (PUV) operators will not be extended,” anunsiyo ng Pangulo.

Itinakda ng Department of Transportation sa Disyembre 31, 2023 ang deadline ng consolidation.

Ayon sa Pangulo, 70 porsyento na ng mga operator sa bansa ang nangako na makikiisa sa consolidation ng mga prangkisa para sa Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP).

Hindi aniya maaaring payagan ang minorya na maging dahilan ng delay kung saan maaapektuhan naman ang mga operators, mga banko, financial institutions at ang publiko.

Naniniwala si Marcos na mas marami ang makikinabang sa mo­dernisasyon ng mga PUVs.

“Adhering to the current timeline ensures that everyone can reap the benefits of the full operationalization of our modernized public transport system. Hence, the scheduled timeline will not be moved,” ani Marcos.

Muling magsasagawa ng tigil pasada ang grupong Piston bukas, Disyembre 14 hanggang 15 para tutulan ang PUV consolidation.

Iginigiit ng Piston na maraming jeep ang mawawalan ng prangkisa kapag ipinatupad ang PUV consolidation.

JEEP

PUV

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with