Labi ng 2 Pinoy na binitay sa China, dumating na

MANILA, Philippines — Dumating na sa bansa ang labi ng dalawang Pinoy na binitay sa China matapos maparusahan noong 2016 dahil sa kasong drug trafficking.

Ayon kay Foreign Affairs Undersecretary Eduardo de Vega, nitong Sabado dumating ang mga labi at nai-turnover na sa kani-kanilang mga pamilya.

Sinabi pa ni de Vega, sa kasalukuyan ay mayroon pang 92 Filipino death penalty cases sa China, kung saan isa ang drug-related cases.

Sa nasabing mga kaso, dalawa ang pinatawan ng habambuhay na pagkakulong, 86 ang ibinaba sa fixed term, at apat ang pending pa sa death penalty cases. Dalawa sa mga ito ang nananatiling pending for final review o pwedeng iapela.

Noong 2011, tatlong Filipino rin ang binitay sa China dahil sa pagpuslit ng malaking halaga ng illegal na droga.

Binitay din ang isa pang Pinoy siyam na buwan makalipas nito, dahil sa kaparehong paglabag.

Noong 2013, isang babaeng Filipino rin ang binitay dahil pa rin sa drug trafficking.

Show comments