^

Bansa

Christmas convoy lumarga na sa WPS

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Christmas convoy lumarga na sa WPS
Ayon sa grupong “Atin Ito”, 40 volunteers ang pinadala sa unang batch na kinabibilangan ng mga kabataan, student leaders, at mga mangingisda.
Senador Mark Villar

MANILA, Philippines — Lumarga na kahapon ng umaga patungong Palawan ang unang batch ng mga volunteer para sa 3-day Christmas convoy sa West Philippine Sea.

Ayon sa grupong “Atin Ito”, 40 volunteers ang pinadala sa unang batch na kinabibilangan ng mga kabataan, student leaders, at mga mangingisda.

“In a profound display of solidarity and patrio­tism, over 40 volunteers, comprising youth and student leaders, along with fisherfolk representatives, embarked on a “Christmas Convoy Civilian Supply Mission” to the West Philippine Sea (WPS) from Manila on Friday morning,” ayon sa Atin Ito Coalition.

Ang mga volunteer ay sakay ng 150-capa­city civilian marine vessel na nagdadala ng mga donasyon, supply at mga pangunahing pangangailangan ng mga  nasa barko.

Sasamahan ang mga ito ng mas malaking contingent ng 100 mangingisda.

Ang Christmas convoy na may 40 bangka ay maglalayag patungo sa bisinidad ng Ayungin Shoal, Patag, at Lawak islands mula Disyembre 10 hanggang 12 para mamahagi ng donasyon at supply.

WPS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with