P67.3-M halaga ng shabu mula Africa kumpiskado sa Pasay City

Kuha ng P67.3 milyong halaga ng pinaghihinalaang shabu na nasabat sa Paircargo Warehouse, Pasay City

MANILA, Philippines — Arestado ang isang babae kaugnay ng halos 10,000 kilo ng hinihinalang shabu mula sa bansang Mozambique, bagay na kinukuha lang daw niya para sa partner na nakilala online.

Ayon sa ulat ng Bureau of Customs nitong Miyerkules, dumating ang kontrabando ika-2 ng Disyembre sa pamamagitan ng Ethiopian Airlines flight number ET644, bagay na dumaan pa aniya ng Hong Kong.

"The public is warned to be more aware of the variations of the love scam, where smugglers of illegal drugs use their Filipino partners to serve as couriers," wika ni Customs Commissioner Bienvenido Rubio.

"Our laws are very clear that whoever is identified as the owner of the shipment remains under the pain of imprisonment if found to be in violation of the rules."

 

 

Nakumpiska ng pinagsamang lakas ng Bureau of Customs - Ninoy Aquino International Airport (BOC-NAIA), Philippine Drug Enforcement Agency, at NAIA Inter-Agency Drug Interdiction Task Group ang parcel na tinatayang nagkakahalagang P67,306,400 sa Paircargo Warehouse, Pasay City.

Sinasabing dumaan sa matinding profiling, x-ray screening at physical examination ang parcel dahilan para matagpuan ang diumano'y droga sa loob ng shipment na idineklara bilang "bearings."

Hinuli ng composite team ang consignee ng parcel at haharap sa reklamong paglabag sa  Anti-Illegal Drugs Act at (Republic Act 9165) at Customs Modernization and Tariff Act (RA 10863).

"I commend the Port, under the leadership of District Collector Yasmin O. Mapa, and our partner agencies in their unwavering commitment to put an end to the proliferation of dangerous drugs in the country," panapos ni Rubio habang idinidiin ang suporta sa anti-illegal drug campaign ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Show comments