Pinoy journalists tatangkain 'live broadcast' sa West Philippine Sea

Litrato ng Kapatid news anchors na sina Gretchen Ho (kaliwa) at Ed Lingao (kanan)
Mula sa Facebook nina Gretchen Ho at Ed Lingao

MANILA, Philippines — Sa kauna-unahang pagkakataon, susubukan ng ilang mamamahayag na magsagawa ng live broadcast sa West Philippine Sea — isang lugar na patuloy inaagaw ng Tsina kahit nasa loob ng Philippine exclusive economic zone (EEZ).

Ito ang ibinahagi ng ONE News at ONE PH sa isang Facebook post kaugnay ng makasaysayang "Freedom to Broadcast" campaign kasabay ng civilian-led Christmas convoy ng Atin Ito Coalition.

"For the first time, One News anchors Ed Lingao and Gretchen Ho will attempt to broadcast live from the West Philippine Sea as the civilian-led Christmas convoy officially sets sail on Sunday, December 10," sabi ng ONE News, Sabado.

 

 

Una nang pinayagan ng National Security Council ang Christmas convoy at tutungo sa Pagasa Island bago dumaan sa Ayungin Shoal kung saan nakaislasyon ang Philippine Navy soldiers ng BRP Sierra Madre.

Magsasagawa ng gift-giving activity ang Atin Ito Coalition sa Pagasa, na okupado mismo ng mga Pilipino, para sa mga residente at sundalong nakahimpil doon. Gayunpaman, hindi sila papayagang magdala ng supplies sa Ayungin Shoal.

Ilang donasyon na ang inihanda para sa misyon na siyang dadalhin sa M/V Kapitan Felix Oca, isang training ship na kayang magdala ng 150 katao at donasyon para sa naturang convoy.

"Noche buena packs, solar lamps, sacks of rice, canned goods, hygiene kits, gadgets, toys and even statues of figures from the Christmas Belen have been donated for soldiers and fisherfolk communities," ani Ho.

"According to the coalition, these will reach all the 7 islands in the Municipality of Kalayaan, or the Kalayaan Group of Islands in Palawan."

 

 

Unang batch naglayag na

Biyernes nang umaga nang makaalis ang unang batch ng naturang convoy patungong Palawan.

"In a profound display of solidarity and patriotism, over 40 volunteers, comprising youth and student leaders, along with fisherfolk representatives, embarked on a 'Christmas Convoy Civilian Supply Mission' to the West Philippine Sea (WPS) from Manila on Friday morning," sabi ng Atin Ito Coalition ngayong Biyernes sa ulat ng GMA News.

 

 

Bukod sa ONE News at ONE Ph, kasama rin sa naturang misyon ang team ng ABS-CBN News. Sila ang unang news organization na nakasakay sa M/V Kapitan Felix Oca simula pa Huwebes.

"Sasama ang ABS-CBN News sa makasaysayang misyon ng Atin Ito Coalition papunta sa West Philippine Sea," balita ni Kapamilya reporter Jervis Manahan kagabi.

"Mula dito sa Maynila ay maglalayag ito sa El Nido, Palawan at mula doon ay pupunta sa mga Philippine-occupied features sa West Philippine Sea tulad na lamang ng Patag at Lawak Islands."

 

 

Ayon sa Akbayan Party, magsasanib-pwersa ang mga volunteer pagdating ng El Nido kasama ang contingent ng 100 mangingisda, bagay na bubuo sa 40-boat convoy para mag-navigate sa kalugaran ng Ayungin Shoal, Patag at Lawak Islands mula ika-10 hanggang ika-12 ng Disyembre.

Ani Akbayan president Rafaela David, isa sa mga convenor ng Atin Ito, tanda ng pagkamakabayan ang ginagawa sa ngayon ng mga tinaguriang "West Philippine ambassadors."

"As we sail forth, let our collective commitment echo in the waves: the spirit of Christmas is not confined to festivities but resonates in our shared duty to improve the living and working conditions of our fisherfolks and frontliners in the West Philippine Sea," ani David.

"It embodies our nation's resilience and our peaceful but determined defense of our sovereignty and territorial integrity. Our voyage is a testament to the enduring strength of Filipino unity, even in the face of foreign aggression and intrusion within our beloved West Philippine Sea."

Kabilang sa kanilang koalisyon ang Philippine Rural Reconstruction Movement (PRRM), Pambansang Kilusan ng mga Samahang Magsasaka (PAKISAMA), Center for Agrarian Reform for Empowerment and Transformation (CARET), Pambansang Katipunan ng mga Samahan sa Kanayunan (PKSK), Team Manila Lifestyle, Akbayan Youth, at Student Council Alliance of the Philippines (SCAP).

Show comments