Chinese vessel hinagip bangkang Pinoy sa Mindoro; 5 mangingisda nasagip

Kuha ng Philippine Coast Guard sa mga nasagip na mangingisda ng FBCA RUEL J
Released/Philippine Coast Guard

MANILA, Philippines — Nasakloklohan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang limang mangingisda matapos ang diumano'y pagsalpok ng isang foreign bulk carrier vessel sa bangka ng nauna malapit sa Paluan, Occidental Mindoro nitong Martes.

Ayon sa PCG ngayong Huwebes, nangyari ang insidente bandang 4 p.m. nang banggain ng Chinese vessel na MV TAI HANG 8 ang FBCA RUEL J.

"The PCG received information regarding the incident at 12NN yesterday, 06 December 2023. They immediately coordinated with the boat owner in Puerto Princesa City, Palawan," wika ng PCG.

"FBCA Joker, FBCA Precious Heart, and FBCA Jaschene conducted rescue and towing operations near Pandan Island, Sablayan, Occidental Mindoro."

 

 

Una nang sinabi ng mga mangingisda na nasa katubigan lang sila ng Palauan habang nakakabit sa isang "payao" nang salpukin ng MV TAI Hang 9.

Matapos nito, nagpatuloy na raw ang kanilang bangka sa pagkilos lalo na't hindi raw huminto ang banyagang barko sa kanilang paglalakbay.

Tiniyak naman ng PCG na nasa maayos na kondisyon ang mga mangingisda, na siya naman daw binigyan ng mga kinakailangang suplay.

Bukod sa safety check-ups ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) at ayuda ng lokal na baranggay sa mga nasagip, nangako na rin daw ng tulong ang Bayan ng Sablayan at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources-Sablayan ng tulong bago sila ibalik sa kani-kanilang pamilya.

"The PCG advised FBCA RUEL J's captain and owner to file a marine protest and assured them that they will report the incident to MV TAI HANG 8's flag state and Port State Control office in adherence to maritime incident procedures and investigate the incident further," kanilang panapos.

Hindi kinikilala ng Tsina ang soberanyang karapatan ng Pilipinas sa ilang anyong tubig gaya na ng West Philippine Sea, bagay na nasa loob ng South China Sea, kahit na initsapwera ng Permanent Court of Arbitration ang 9-dash line claim ng Beijing.

Dahil dito, talamak ang mga insidente ng pag-ikot at pag-okupa ng Tsina sa sari-saring maritime features sa loob ng exclusive economic zone (EEZ) ng Maynila.

Show comments