MANILA, Philippines — Umabot sa 2.09 milyong Pilipino ang matatawag na unemployed sa pagtatapos ng Oktubre 2023, ayon sa pinakahuling ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA) ngayong Huwebes nang umaga.
Katumbas ito ng 4.2% kawalang trabaho, bagay na mas mataas kumpara sa 4.5% noong Setyembre.
"In October 2023, the country’s unemployment rate was posted at 4.2 percent, which was lower compared with the 4.5 percent unemployment rate in October last year and 4.8 percent rate recorded in July 2023," wika ng gobyerno.
"The reported unemployment rate in October 2023 was the lowest since April 2005."
Narito ang buod ng labor force survey ng PSA:
- unemployment rate: 11.9%
- walang trabaho: 2.09 milyon
- employment rate: 95.8%
- may trabaho: 80 milyon
- underemployment rate: 11.7%
- underemployed: 5.6 milyon
- labor force participation rate: 63.9%
- labor force: 49.89 milyon
'Lower quality jobs'
Kapansin-pansing dumami ang bilang at porsyento ng underemployed at underemployment rate, bagay na tumutukoy sa mga taong naghahangad ng dagdag na oras sa trabaho o dagdag na trabaho.
Mas mataas ito kaysa sa 10.7% underemployment rate noong Setyembre. Kadalasan itong ginagawa ng ilan para kumita nang mas malaki.
Kadalasang tinatawag na "low quality jobs" ang mga trabahong nagtutulak sa mga taong humanap ng dagdag na oras sa trabaho o dagdag na empleyo.
"Across regions, the National Capital Region (NCR) posted the highest unemployment rate of 5.4 percent in October 2023, while Davao Region had the lowest reported unemployment rate of 2.9 percent," dagdag pa ng PSA.
"Of the total 6.09 million employed youth, 627 thousand were underemployed, translating to youth underemployment rate of 10.3 percent. Youth unemployment rate increased to 11.4 percent, from 11.2 percent in October last year."
Mas malaking bahagi ng kabataang hindi nag-aaral, nagtratrabaho o nagsasanay nitong Oktubre 2023 patungong 11.7% mula sa 11.4% isang taon na ang nakalilipas.
Inilabas ng gobyerno ang balitang ito matapos lumabas na bumagal sa 4.1% ang inflation rate noong Nobyembre, bagay na panukat sa bilis ng pagtaas ng presyo ng bilihin.
Nangyayari ito isang buwan bago dumagsa ang publiko sa mga pamilihan bilang paghahanda sa Pasko at Bagong Taon.