^

Bansa

4 na kaso ng 'walking pneumonia' naitala ng DOH simula Nobyembre

James Relativo - Philstar.com
4 na kaso ng 'walking pneumonia' naitala ng DOH simula Nobyembre
Just 34 days before Christmas, shoppers fill the streets of bargain centers of Divisoria in Manila on November 21, 2023.
The STAR/Edd Gumban

MANILA, Philippines — Aminado ang Department of Health (DOH) na umabot na sa apat na kaso ng Mycoplasma pneumoniae infection o "walking pneumonia" simula pa noong nakaraang buwan.

Ibinahagi ito ng Kagawaran ng Kalusugan ngayong Miyerkules, isang araw matapos tiyakin ni Health Secretary Teodoro Herbosa na "wala pang outbreak" ng kinatatakutang sakit sa Pilipinas sa ngayon.

"As of November 25, 2023, there are a total of four confirmed cases of Mycoplasma pneumoniae infection among reported Influenza-like Illness (ILI) cases," sabi ng DOH sa media kanina.

"These cases have been reported in the previous morbidity weeks 3, 30, 37, and 38, with one case each."

Ika-30 lang ng Nobyembre lang nang pag-ingatin ni Health Undersecretary Eric Tayag ang publiko sa pagtaas ng kaso ng walking pneumonia — sakit na "95% drug resistant" laban sa mga antibiotics sa mga bansa gaya ng Tsina.

Ayon sa US Centers for Disease Control and Prevention (CDC), karaniwang "mild" lang ang mga sintomas nito, kagaya ng:

  • pananakit ng lalamunan
  • pagkapagod
  • lagnat
  • lumalalang pag-ubo na maaaring tumagal nang ilang buwan
  • sakit ng ulo
  • pagbahing
  • baradong ilong
  • pagsusuka at pagdudumi
  • kahirapan sa paghinga

'Sa China matatagpuan maliban sa Pilipinas'

Bagama't sinasabing hindi ito nakamamatay para sa mga nahahawaan ng bacteria, inilinaw naman ng DOH na wala pang ibang bansang nakikitaan ng naturang sakit sa ngayon.

"The DOH can scan but we depend on what the media or the World Health Organization (WHO) will report," sabi pa ng kagawaran.

"So far, the only country that has recorded incidents of Mycoplasma pneumonia is China."

Dagdag pa nila, hindi pa ito notifiable disease sa pandaigdigang antas.

Una nang pinayuhan ng Philippine Ports Authority ang mga naglalakbay na magsuot ng face masks laban sa walking pneumonia lalo na't dumarami ang kaso ng flu-like symptoms.

Epekto ng flu season?

Dahan-dahan nang tumataas ang kaso ng mga influenza-like illnesses simula pa noong pagtatapos ng Agosto. Gayunpaman, dahan-dahan na raw bumagal ang pagtaas ng ILI cases sa 9,834 niutong huling tatlo hanggang apat na linggo.

Sinasabing 11% itong mas mababa kaysa sa 11,106 cases na naiulat dalawang linggo bago ang October 29 hanggang November 11.

Inaasahan namang bababa pa ang ILI cases sa mga susunod na linggo ngunit posibleng tumaas pagpasok ng Enero batay sa five-year data ng DOH.

Isa ring ILI ang COVID-19, bagay na tumama na sa 4.12 milyong katao simula nang makapasok ito sa Pilipinas noong 2020. Sa bilang na 'yan, patay na ang 66,766.

Kasalukuyang nagpapagaling sa COVID-19 ang nasa 3,332 katao sa bansa, gaya na lang ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr.

DEPARTMENT OF HEALTH

INFLUENZA

NOVEL CORONAVIRUS

PNEUMONIA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with