MANILA, Philippines — Umakyat na sa tatlo ang naiulat na nasawi sa magkasunod na magnitude 7.4 at 6.8 na lindol sa malaking bahagi ng Mindanao, bukod pa sa 48 kataong sugatan.
Ito ang ibinalita ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Martes nang gabi ilang araw matapos ang mga naturang lindol.
Related Stories
Naitala ang epicenter ng ang una at ikalawang lindol sa magkaibang bahagi ng Surigao del Sur.
- patay: 3
- sugatan: 48
- apektado: 528,203
- lumikas: 51
- nasa loob ng evacuation centers: 28
- nasa labas ng ECs: 23
Dahil sa mga naturang lindol, naitala ang ilang sunog at landslides (pagguho ng lupa) sa Davao Region at CARAGA.
"A total of 3,887 damaged houses are reported in Region 10, Region 11, CARAGA," wika pa ng NDRRMC kahapon.
"The estimated cost of damage to infrastructure amounting to Php 4,810,000 was reported in Region 11, CARAGA."
Nasa 19 lungsod at munsipalidad sa CARAGA na ang nasa ilalim ng state of calamity, dahilan para magpatupad doon ng automatic price free sa mga batayang pangangailangan.
Nakapagdala naman na ng nasa P3.93 milyong halaga ng ayuda sa CARAGA sa porma ng family food packs at shelter repair kit kasunod ng pagyanig.
Lindol matapos ang Bar Exams results
Iniulat ito ng NDRRMC matapos din maitala ang magnitude 5.9 na lindol na may epicenter 18 kilometro hilagangsilangan ng Lubang, Occidental Mindoro.
Ramdam ang huling lindol hanggang Metro Manila at nakapagtala ng Intensity V (strong) earthquake sa Lubang at Puerto Galera, Oriental Mindoro.
Sa kabutihang palad, wala pa namang naitatalang casualties o pinsala ang lindol kahapon, pagtitiyak ng NDRRMC sa media.